Tuloy-tuloy na malakas na ulan ang ibinabala ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Camarines Norte.

News Image #1

(Larawan ng PAGASA)

Ayon sa PAGASA, malaki ang posibilidad ng matinding pagbabaha at storm surge sa karagatan sa lugar.

Napanatili ng bagyong Kristine ang lakas nito sa karagatan ng Pilipinas sa silangan ng Bicol Region kung saan kaninang alas 10:00 ng umaga, ang sentro ng bagyo ay nakita sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Ang lakas ng hangin nito ay nasa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pagbugsong 80 kilometro kada oras.

News Image #2

(Larawan ng DILG-Codix)

Nakataas na ang Signal Number 2 sa
Catanduanes
At ang Signal Number 1 sa:
Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon including Pollilo Islands, Masbate including Ticao Island, Burias Island, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon
Gayundin sa: Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte.

At sa: Dinagat Islands and Surigao del Norte including Siargao - Bucas Grande Group

Dahil sa mabilis na paglakas ng bagyong Kristine, posibleng ang pinakamataas na Wind Signal ay umabot sa 3, ayon sa PAGASA.

Ngayong araw na ito, malakas na ang hangin sa: Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Palawan, Romblon, Aklan, Antique, Negros Island Region, Central Visayas, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Northern Mindanao, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Sarangani, Davao del Sur, at Davao Oriental.
Bukas (23 October): MIMAROPA, Visayas, at Mindanao.
Sa Huwebes (24 October): MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, Lanao del Sur, Northern Mindanao, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Davao del Sur, at Davao Oriental.

Nagbabala ang PAGASA sa storm surge sa susunod na 48 oras sa mga sumusunod na lugar: Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Aurora, Isabela, at Cagayan. Pinaghahanda ang mga nakatira sa mga baybaying dagat sa posibilidad ng paglikas.

Tinatayang babagsak sa lupa ang bagyong Kristine sa Isabela o Hilagang Aurora bukas, Oktubre 23 ng gabi o Huwebes, Oktubre 24 ng madaling araw. Babagtasin nito ang kabundukan ng Hilagang Luzon at lalabas sa katubigan sa kanluran ng Ilosoc Region sa Huwebes ng hapon o gabi.

Posibleng maging napakalakas na bagyo ang bagyong Kristine bago pa ito bumagsak sa lupa.