Inaasahang magla-landfall sa Hilagang Luzon ang Bagyong Kristine sa darating na Biyernes, Oktubre 25, 2024.
Ngayong umaga, Oktubre 21, 2024, pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical depression na nakita 870 kilometro sa silangan ng Eastern Visayas kaninang alas 10:00 ng umaga.
(Larawan ng PAGASA)
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyong Kristine ay kumikilos patungong kanluran-timog kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras. May dala itong hanging nas 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 70 kilometro kada oras.
Nakataas na ang Signal Number 1 sa mga sumusunod na lugar:
• Catanduanes, Masbate kasama ang Ticao Island at Burias Island, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Camarines Norte at ang silangang bahagi ng Quezon Province
• Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran at Southern Leyte
* Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao - Bucas Grande Group
Inaasahan ng PAGASA na ang bagyong Kristine ay magiging tropical storm ngayong hapon at posibleng marating ang matindi o severe tropical storm na kategorya sa Martes ng hapon o gabi. Posible itong maging typhoon o malakas na bagyo sa Huwebes ng hapon o gabi.
Bagyong Kristine, Magiging Malakas na Bagyo sa Huwebes ng Hapon; Magla-Landfall sa Hilagang Luzon sa Biyernes, Oktubre 25, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: