Palabas na ngayong hapon ng Oktubre 25, 2024 ang Bagyong Kristine sa Philippine Area of Reponsibility (PAR) subalit may posibilidad na bumalik ito sa PAR.
Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may posibilidad na bumalik mula sa West Philippine Sea ang bagyo sa Linggo o Lunes.
"In the extended outlook, there is a developing forecast situation wherein KRISTINE will be looping over the West Philippine Sea on Sunday and Monday and move generally eastward towards the general direction of the PAR region. However, this scenario heavily depends on the behavior of the tropical cyclone east of the PAR region," ang ulat ng PAGASA.
Posibleng muling lumakas ang bagyong Kristine habang gumagalaw sa West Philippine Sea.
Hindi rin inaalis ang posibilidad na lumakas pa ito at maging "typhoon category."
"While it is likely that the tropical cyclone will remain a severe tropical storm in the next five days, the chance for it to be upgraded into a typhoon is not ruled out," dagdag na ulat ng PAGASA.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA kagabi, 11:00 pm, Oktubre 24, 2024, ang sentro ng bagyong Kristine at nasa baybaying dagat na ng Bolinao, Pangasinan.
Napanatili nito ang lakas na 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 145 kilometro kada oras. Ang central pressure nito ay nasa 985 hPa.
Mabagal ang pagkilos nito patungong timog-timog kanluran at ang lakas ng hangin ay umaabot sa 730 kilometro mula sa gitna.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa:
Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, hilagang Cavite (Ternate, Maragondon, Naic, Tanza, City of General Trias, Rosario, Cavite City, Noveleta, Kawit, Imus City, Bacoor City), hilagang Rizal (Cainta, Taytay, Angono, San Mateo, Rodriguez, Tanay, City of Antipolo, Baras, Teresa, Morong), at hilagang Quezon (General Nakar)
TCWS No.1 naman sa:
Batanes, nalalabing bahagi ng Rizal, nalalabing bahagi ng Cavite, Batangas, Laguna, nalalabing bahagi ng Quezon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro kasama ang Lubang Islands, Marinduque, Romblon, hilagang Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, San Vicente, Dumaran, Roxas) kasama ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands.
Gayundin sa:
Aklan, Capiz, Antique kasama ang Caluya Islands, Iloilo, Bantayan Islands, kanlurang bahagi ng Northern Samar (Lope de Vega, Rosario, Biri, San Isidro, Capul, San Vicente, Victoria, Lavezares, San Antonio, Mondragon, San Jose, Catarman, San Roque, Allen, Bobon), at hilagang bahagi ng Samar (Calbayog City, Tagapul-An)
(Mga larawan mula sa PAGASA)
Bagyong Kristine, Palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Ngayong Hapon, Oktubre 25, 2024; Subalit May Posibilidad na Bumalik ng PAR | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: