Napanatili ng Bagyong Leon ang lakas nito habang paikot-ikot sa Philippine Sea.

Batay sa pinakahuling ulat kagabi ng alas 10:00, Oktubre 28, 2024, ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang sentro ng Severe Tropical Storm na si Leon ay nasa 705 kilometro sa silangan ng Echague, Isabela (16.8°N, 128.3°E).

News Image #1


Ang lakas ng hangin nito ay nasa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 125 kilometro kada oras. Mabagal ang pagkilos nito pakanluran.

Ang lawak ng hangin nito ay umaabot sa 620 kilometro mula sa gitna.

News Image #2


Nakataas na ngayon ang Tropical Wind Cyclone Number 1 sa:
Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, the northern portion of Benguet (Bakun, Kibungan, Atok, Bokod, Mankayan, Buguias, Kabayan), Ilocos Norte, Ilocos Sur, Aurora, ang hilagang bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Islands (General Nakar, Infanta, Real), Camarines Norte, silangang bahagi ng Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay), Catanduanes, silangang bahagi ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito), at ang hilagang bahagi ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat).

Gayundin sa lugar ng Visayas region kung saan ang apektado ng bagyo ay ang silangang bahagi ng Northern Samar (San Roque, Pambujan, Catubig, Laoang, Palapag, Gamay, Lapinig, Mapanas, Mondragon) at ang hilagang bahagi ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo).

Inaasahang mararamdaman ang lakas ng hangin na may pag-ulan sa mga sumusunod na lugar at petsa:
• 28 October: Visayas and most of CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Northern Mindanao, and Caraga Region.
• 29 October: Zambales, Bataan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, and Camiguin.
• 30 October: Zambales, Bataan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Dinagat Islands, and most of Visayas and Central Luzon.

Ang bagyong Leon ay gagalaw patungong kanluran hilagang-kanluran hanggang ngayong hapon, Oktubre 29, at babagsak sa kalupaan ng Taiwan sa Huwebes, Oktubre 31. Inaasahang tuluyang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng umaga o hapon.

Kung kikilos itong pakanluran, posibleng mag-landfall din ito o lumapit sa Batanes.

(Mga larawan ng PAGASA)