Dalawang beses na bumagsak sa lupa ng Cagayan ang bagyong Marce (international name: Yinxing) kahapon, Nobyembre 7, 2024 kung saan naranasan ng mga taga-Hilagang Luzon ang napakalakas na hangin at pag-ulan na naging dahilan ng pagkasira ng mga establisamyento at mga daan at paglubog sa baha ng ilang mga lugar dito.
(RESCUE OPERATION: Larawan ng Cagayan PIO)
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang unang landfall ng bagyong Marce ay sa Santa Ana, Cagayan bandang alas 3:40 ng hapon. Ang sumunod na landfall ay sa Sanchez Mira, Cagayan ng alas 9:00 ng gabi. Patuloy itong kumikilos patungong kanluran.
(EVACUEES SA PAMPLONA: Larawan ng Cagayan PIO)
Dala ng bagyong Marce ang hanging may bilis na 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 290 kilometro kada oras.
(Larawan ng PAGASA)
Nagbabala ang PAGASA na napakamapanganib pa rin sa Cagayan, Apayao at Ilocos Norte sa ngayon habang ang sentro ng mata ng bagyo ay nasa may Claveria, Cagayan (18.5°N, 121.1°E).
(Larawan ng PAGASA)
Nakataas ngayon ang Signal Number 4 sa:
• Hilagang bahagi ng Cagayan (Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana)
• Babuyan Islands (Fuga Is., Dalupiri Is., Babuyan Is., Camiguin Is.)
• Hilagang bahagi ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol, Kabugao)
• Hilagang bahagi ng Abra (Tineg)
• Ilocos Norte
• Hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Sinait)
•
Signal number 3 naman sa:
• Batanes (Mahatao, Uyugan, Basco, Ivana, Sabtang)
• Nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
• Nalalabing bahagi ng Cagayan
• Nalalabing bahagi ng Apayao
• Hilagang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk)
• Hilagang bahagi ng Abra (Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued, Langiden, San Quintin, Pidigan, Malibcong, Peñarrubia, Bucay, Licuan-Baay, Lagangilang, Dolores, Tayum, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, San Isidro)
• Hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, San Ildefonso, City of Vigan, Caoayan, Santa, Narvacan, Nagbukel)
Signal number 2 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng Batanes
• Hilaga at gitnang bahagi ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan)
• Nalalabing bahagi ng Abra
• Nalalabing bahagi ng Kalinga
• Mountain Province
• Hilagang bahagi ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan)
• Hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan)
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
• Hilagang bahagi ng of La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol, Bacnotan)
Signal number 1 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng La Union
• Pangasinan
• Nalalabing bahagi ng Ifugao
• Nalalabing bahagi ng Benguet
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), the northern portion of Nueva Ecija (Carranglan)
• Hilagang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria)
Ang bagyong Marce ay kikilos pakanluran habang dinadaanan ang Cagayan, Apayao at Ilocos Norte ngayong madaling araw at lilitaw muli sa katubigan ng Ilocos Norte. Tinatayang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) region ngayong Biyernes ng hapon o gabi, Nobyembre 8, 2024.
Bagyong Marce, 2 Beses na Bumagsak sa Lupa ng Cagayan; Lalabas na ng PAR Ngayong Hapon o Gabi, Nobyembre 8, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: