Babagsak ng lupa at dadaan ang Bagyong Marce sa Babuyan Islands at sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Ilocos Norte at Apayao mula ngayong hapon, Nobyembre 7, 2024, hanggang Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 8, 2024.
Lalo pang lumalakas ng bagyong Marce na nasa kategorya nang "typhoon" habang kumikilog patungo sa kanluran hilagang-kanluran, sa may hilagang kalupaan ng Cagayan at sa lugar ng Babuyan Islands.
Namataan ng PAGASA ang sentro ng mata ng bagyong Marce kagabi ng alas 10:00 sa 240 kilometro silangan ng Aparri. Cagayan (18.3°N, 123.9°E).
Dala nito ang hanging may lakas na 155 kilometro kada oras malapit sa gitna, na may pagbugsong aabot sa 190 kilometro kada oras at may central pressure na 955 hPa.
Gumagalaw ito sa bilis na 10 kilometro bawatg oras pa-kanluran, hilagang kanluran. Ang lakas naman ng hangin nito ay nakakasakop sa 560 kilometro mula sa gitna.
Signal Number 3 na sa mga sumusunod na lugar:TCWS No.3
• Hilaga at gitnang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Allacapan, Gattaran, Lasam, Ballesteros, Baggao, Alcala, Santo Niño, Rizal, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)
• Babuyan Islands,
• silangang bahagi ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol)
Signal number 2 naman sa:
• Batanes
• Nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
• Hilaga at gitnang bahagi ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel)
• Nalalabing bahagi ng Apayao
• Abra
• Kalinga
• Silangan at gitnang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga)
• Ilocos Norte
• Hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Narvacan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio)
Signal number 1 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
• La Union
• Hilagang bahagi ng Pangasinan (Bani, Bolinao, Anda, City of Alaminos, Agno, Sual, Labrador, Burgos, Mabini, Lingayen, Binmaley, Dagupan City, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Pozorrubio, Sison, San Manuel, San Nicolas, Natividad, San Quintin, Tayug, Santa Maria, Binalonan, Asingan, Laoac, Manaoag, Mapandan, Santa Barbara, Calasiao, City of Urdaneta)
• Nalalabing bahagi ng Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
• Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan)
Posibleng narating na ng bagyong Marce ang pinakamalakas nitong hangin, at bahagyang hihina habang dumadaan sa kabundukan ng mainland Luzon habang ito ay pabagsak sa lupa, ayon ss PAGASA. Gayunman, mananatili itong nasa typhoon category habang dumadaan sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Tinatayang magtutungo ang bagyong Marce sa kanluran, hilagang kanluran hanggang mamayang umaga, Nobyembre 7, 2024, sa ibabaw ng katubigan ng silangan ng Cagayan bago unti-unting bibilis patungong kanluran sa hapon hanggang sa Sabado, Nobyembre 9, 2024, sa ibabaw ng Bbuyan Channel at hilagang bahagi ng West Philippine Sea.
Maaaring lumabas na sa PAR region ang bagyong Marce sa Biyernes ng gabi.
(Mga larawan ng PAGASA)
Bagyong Marce, Babagsak na ng Lupa Ngayong Nobyembre 7, 2024; Signal Number 3 na sa Mainland Cagayan, Babuyan Islands at Apayao | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: