Mabilis na naging Severe Tropical Storm ang bagyong Marce (international name: Yinxing) habang papalapit ang posibleng pagbagsak nito sa lupa at masasagasaan ang mga dinaanan din ng Bagyong Kristine at Leon.
Kahapon ng alas 4:00 batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang sentro ng bagyong Marce ay nasa 715 kilometro silangan ng Daet, Camarines Norte (14.5°N, 129.6°E).
Ang dala nitong hangin ay naa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at ang pagbugso ay nasa 125 kilometro kada oras, samantalang ang central pressure nito ay nasa 985 hPa.
Kumikilos ito ng pa-hilaga-kanluran sa bilis n a 35 kilometro kada oras. Ang malakas na hangin nito ay nakakasakop sa 600 kilometro mula sa gitna.
Itinaas na ng PAGASA sa Signal Number 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:
• Batanes,
• Hilaga at Silangang Cagayan (Camalaniugan, Lal-Lo, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria, Gattaran, Peñablanca, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Alcala, Amulung, Iguig) kasama ang Babuyan Islands
• Silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan, Dinapigue)
• Hilagang bahagi ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan, Flora, Pudtol)
• Hilagang bahagi ng Abra (Santa Marcela, Luna, Calanasan, Flora, Pudtol)
• Hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Isabela (Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan, Dinapigue), Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan, Flora, Pudtol)
Sinabi ng PAGASA na posibleng umabot sa typhoon category ang bagyong Marce ngayong Nobyembre 5 ng gabi o sa Nobyembre 6 ng madaling araw,
Tinataya pa rin ng PAGASA na magla-landfall ang bagyong Marce malapit sa Babuyan Islands o sa mainland northern Cagayan sa Huwebes ng gabi, Nobyembre 7 o madaling araw ng Biyernes, Nobyembre 8, 2024.
(Mga larawan ng PAGASA)
Bagyong Marce, Mabilis na naging Severe Tropical Storm; Hindi Malayong Umabot sa Typhoon Category; Nasa 715 Kilometro Silangan ng Daet, Camarines Norte Ito Ngayon | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: