Nakataas na sa signal number 4 ang hilagang bahagi ng Cagayan, hilagang bahagi ng Apayao, at hilagang Ilocos Norte habang bumabayo ang lakas ng hangin at ulang dala ng bagyong Marce ngayong Nobyembre 7, 2024.
Posibleng bumagsak na sa lupa ng mainland Cagayan ngayong alas 2:00 ng hapon ang Typhoon Marce.
(Larawan ng Cagayan Provincial Information Office)
Kabilang sa apektado ng signal number 4 ay ang Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) kasama na ang Babuyan Islands.
(Larawan ng Cagayan Provincial Information Office)
Signal number 4 din sa hilagang Apayao: Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol.
Signal number 4 din sa hilagang bahagi ng Ilocos Norte: Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, at Burgos.
Ang sentro ng bagyong Marce ay namataan kaninang alas 10:00 ng umaga sa layong115 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan (18.5°N, 122.7°E).
(Larawan ng PAGASA)
Dala nito ang hanging may lakas na 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 215 kilometro kada oras, at ang central pressure ay 940 hPa.
Kumikilos ito ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Ang lawak ng nasasakop ng malakas na hangin at ulan nito ay nasa 560 kilometro mula sa gitna.
(Larawan ng PAGASA)
Signal number 3 naman sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, hilagang Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued), at hilagang Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo).
Signal number 2 sa hilaga at gitnang Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan), nalalabing bahagi ng Abra, Kalinga, Mountain Province, hilagang Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan), the northern portion of Benguet (Bakun, Mankayan), nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, at hilagang La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol).
Signal number 1 naman sa: nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Ifugao, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler), hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan), at hilagang Zambales (Santa Cruz, Candelaria).
Nagbabala ang PAGASA sa storm surge na maaaring maging dahilan ng kamatayan dahil tataas ito ng higit sa 3 metro sa mga susunod na orqs sa Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union.
Bagyong Marce, Posibleng Bumagsak na sa Cagayan ngayong 2 PM; Signal Number 4 sa Hilagang Cagayan, Apayao at Ilocos Norte | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: