Bahagyang lumakas ang bagyong Marce (international name: Yinxing) habang gumagalaw patungong hilga-kanluran sa Philippine Sea.

News Image #1


Sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas 11:00 ng umaga, ang sentro ng Tropical Storm Marce ay nasa 775 kilometro sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar (12.4°N, 132.5°E).

Ang dala nitong hangin ay nasa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna, na may pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras at ang centra pressure ay nasa 998 hPa .

News Image #2


Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 35 kilometro bawat oras, at ang hangin nito ay may may lawak na 580 kilometro mula sa gitna.

Habang kumikilos ang bagyong Marce sa loob ng Philippine Area of Responsibility, napapalakas nito ang northeasterly wind flow dahilan upang magpaulan. Partikular na makakaranas ng matinding pag-ulan ay ang extreme Northern Luzon at ang silangang bahagi ng Luzon simula ngayong araw na ito o bukas, Nobyembre 5, 2024.

News Image #3


Posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Cagayan bukas, Nobyembre 5.

Sa track forecast ng PAGASA, nakikitang ang bagyong Marce ay magla-landfall sa malapit sa Babuyan Islands o sa mainland northern Cagayan sa Huwebes ng gabi, Nobyembre 7 o Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 8.

Dahil hindi pa matiyak ang lakas ng high pressure area sa hilaga ng bagyong Marce, maaari ring magbago ang forecast track at ang landfall nito ay mapunta sa lugar ng mainland Cagayan o Isabela.

Posibleng maabot ng bagyong Marce ng kategoryang tropical storm bukas, Nobyembre 5. Posible ring umabot sa kategoryang typhoon bukas ng gabi o sa madaling araw ng Miyerkules. Posible ring mabilis ang paglakas ng bagyo.

Dahil dito, pinaghahanda ng PAGASA ang publiko at lahat ng mga may kinalaman sa disaster risk reduction and management upang maprotektahan ang maaaring masagasaan ng bagyo.

(Mga larawan ng DOST-Pagasa)