Humina ang bagyong Nika mula sa kategoryang typhoon tungong severe tropical storm at ngayon ay nasa katubigan na ng Ilocos Sur.
Ang sentro ng bagyong Nika kagabi ng alas 7:00 ay namataan sa katubigan ng Magsingal, Ilocos Sur (17.7°N, 120.3°E).
May dala itong hanging nasa bilis na 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 185 kilometro kada oras. Kumikilos ito pahilaga-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras. Ang hangin nito ay sumasakop sa 340 kilometro mula sa gitna.
Sa ngayon ay nakatuon din ang pagbabantay ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa dalawa pang bagyo na kapag pumasok sa Philippine Area of Responsibility ay tatawaging Ofel at Pepito.
Nakataas ang Signal Number 3 sa mga sumusunod:
Katimugang bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, hilagang bahagi ng Benguet (Buguias, Mankayan, Bakun), katimuhang Ilocos Norte (Laoag City, Sarrat, San Nicolas, Piddig, Marcos, Nueva Era, Dingras, Bacarra, Solsona, Paoay, Currimao, Pinili, Badoc, City of Batac, Banna), at Ilocos Sur.
Signal Number 2 naman sa mga sumusunod:
Timog Cagayan (Iguig, Alcala, Amulung, Santo Niño, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Enrile, Tuguegarao City, Solana, Tuao, Piat, Rizal), Silangang Isabela (Santo Tomas, Alicia, San Mateo, Aurora, Santa Maria, Quezon, Ramon, Roxas, Luna, Delfin Albano, City of Santiago, Reina Mercedes, San Manuel, Cabatuan, Quirino, San Isidro, Mallig, Burgos, Cordon, Cabagan), Hilagang Quirino (Diffun, Cabarroguis, Saguday), Hilagang Nueva Vizcaya (Bambang, Kayapa, Santa Fe, Aritao, Quezon, Bayombong, Ambaguio, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu), La Union, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Benguet.
Signal Number 1 naman sa:
Pangasinan, nalalabing bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng Isabela, nalalabing bahagi ng Quirino, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, Tarlac, hilaga at gitnang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan), Nueva Ecija, at Aurora.
Tinatayang lalabas na ngayong Martes ng umaga, Nobyembre 12, ang bagyong Nika sa Philippine Area sa pamamagitan ng West Philippine Sea.
Bagyong Nika, Humina at Papalabas na ng Bansa Ngayong Martes ng Umaga; Dalawang Bagyo pa ang Binabantayan ng PAGASA | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: