Lalong lumalakas habang papalapit ang pagbagsak sa lupa ng Bagyong Nika (Severe Tropical Storm category).

News Image #1


Sa pinakahuling data ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas 4:00 ng hapon, ang bagyo na malapit nang maging kategoryang typhoon ay nasa 380 kilometro sa silangan ng Infantq, Quezon (15.2°N, 125.2°E).

Ang dala nitong hangin ay 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 135 kilometro kada oras at central pressure na 980 hPa.

News Image #2


Kumikilos ito ng 20 kilometro kada oras patungo sa kanluran.

Ang hangin nito ay may lawak na 340 kilometro mula sa gitna.

News Image #3


Nakataas na ang signal number 2 sa:

* Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
* Isabela
* Quirino
* Katimugang bahagi ng Cagayan (Solana, Iguig, Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Rizal, Piat, Tuao, Gattaran, Lasam)
* Nueva Vizcaya
* Katimugang bahagi ng Apayao (Kabugao, Conner, Flora, Pudtol)
* Abra
* Kalinga
* Mountain Province
* Ifugao
* Benguet
* Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)
* Katimugang bahagi ng Ilocos Sur (Narvacan, Nagbukel, Cervantes, Quirino, San Emilio, Santa Maria, Burgos, San Esteban, Santiago, Lidlidda, Banayoyo, City of Candon, Galimuyod, Salcedo, Gregorio del Pilar, Sigay, Santa Lucia, Santa Cruz, Suyo, Alilem, Tagudin, Sugpon)
* La Union
* Hilaga-silangang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug)

Signal number 1 naman sa:

* Nalalabing bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
* Nalalabing bahagi ng Apayao
* Ilocos Norte
* Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
* Nalalabing bahagi ng Pangasinan
* Nalalabing bahagi ng Aurora
* Tarlac
* Hilaga at gitnang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso)
* Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
* Pampanga
* Bulacan
* Metro Manila
* Rizal
* Silangang bahagi ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Pila, Victoria)
* Silangang bahagi ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar, Lucban, City of Tayabas, Lucena City)
* Polillo Islands
* Camarines Norte
* Camarines Sur
* Catanduanes
* Hilagang bahagi ng Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu)

Ang bagyong Nika ay magtutungo sa kanluran hilagang kanluran at babagsak sa lupa sa Isabela o hilagang Aurora bukas, Nobyembre 11 ng umaga o hapon.

(Mga larawan mula sa PAGASA)