Makakaranas ng malakas na pag-ulan ang Catanduanes ngayong Nobyembre 10, 2024, dahil sa bagyong Nika (international name: Toraji) na patuloy na lumalakas habang patungo pakanluran sa Philippine Sea na nasa silangan ng Bicol Region.
Ang sentro ng bagyo, batay sa data ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kagabi ng 10:00, Nobyembre 9, 2024, ay nasa 625 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes o 750 kilometro silangan ng Daet, Camarines Norte (14.6°N, 129.9°E).
Dala nito ang hanging may lakas na 75 kilometro kada oras malapit sa gitna, at may pagbugsong 90 kilometro kada oras at central pressure na 998 hPa.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nakataas na ang signal number 1 sa:
* Isabela
* Quirino
* Silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Alfonso Castaneda, Dupax del Norte, Diadi, Quezon)
* Aurora
* Silangang bahagi ng Nueva Ecija (Bongabon, Gabaldon, General Tinio, Laur)
* Silangang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray)
* Silangang bahagi ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar)
* Polillo Islands
* Camarines Norte
* Camarines Sur
* Catanduanes
* Hilaga silangang bahagi ng Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu)
Posibleng lumakas pa sa mga susunod na araw ang bagyont Nika lalo na at magpapalakas pa ng hangin ang northeasterly wind flow.
Tinatayang babagsak ito sa lupa sa Lunes, Nobyembre 11, 2024 ng hapon o gabi sa Isabela o Aurora.
Posibleng umabot ito sa kategoryang Severe Tropical Storm ngayong Linggo.
Binabalaan ang lahat na lalong lalakas ang bagyong Nika habang nasa Philippine Sea sa silangan ng Quezon Province.
Pinapayuhan ang lahat na iligpit na ang kanilang ari arian at mga alagang hayop at ang mga nasa mababang lugar, may katabing katubigan at kabundukan ay kailangang lumikas sa mas ligtas na lugar.
Matinding ulan ang babagsak sa Lunes, Nobyembre 11 (>200 mm) sa Isabela at Aurora. Gayundin sa Cagayan at Quirino (100 - 200 mm) at
Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes (50-100 mm)
Matinding ulan naman ang babagsak sa Apayao at Kalinha sa Martes, Nobyembre 12 (>200 mm); Cagayan, Abra, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, at Ilocos Sur (100 - 200 mm) at sa La Union, Benguet, Aurora, at ang nalalabing lugar sa Cagayan Valley (50 - 100 mm).
Nagbabala rin ang PAGASA na dahil kagagaling lang sa matinding pag-ulan ang mga nabanggit na lugar, kailangang magdoble ingat ang mga tao dahil mahina ang mga lupa at posibleng magkaroon ng pagguho ng lupa.
(Mga larawan mula sa PAGASA)
Bagyong Nika, Magpapaulan ng Malakas sa Catanduanes Ngayong Araw Na Ito; Babagsak sa Lupa sa Lunes, Nobyembre 11 sa Isabela o Aurora | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: