Apat na bagyo ang binabantayan ngayon ng PAGASA kabilang na ang nananalasa sa Dilasag, Aurora na bagyong Nika (international name: Toraji).

News Image #1

(Larawan mula sa PAGASA)

Bumagsak na sa lupa ng Dilasag, Aurora kaninang alas 8:10 ng umaga, Nobyembre 11, 2024, ang naturang bagyo.

News Image #2

(Larawan mula sa PAGASA)

Dala ng typhoon Nika ang hanging may lakas na 130 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 180 kilometro kada oras.

News Image #3

(Screenshot mula sa video ng Cagayan Provincial Information Office)


Ang bagyo (tropical depression) na nasa 1,515 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Visayas at nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan din ng PAGASA. May lakas ang hangin nitong 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at hanggang 70 kilometro kada oras ang pagbugso.

Isa pang bagyo (tropical storm) na may international name na Man-yi ang binabantayan naman na nasa layong 3, 280 kilometro sa silangan ng Southeastern Luzon at nasa labas pa ng PAR.

May lakas naman itong 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at hanggang 105 kilometro kada oras ang pagbugso nito.

Ang bagyong Marce na may international name na Yinxing at isa pa ring tropical storm ay nasa labas na ng PAR sa layong 935 kilometro kanluran ng Northern Luzon. May lakas itong 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at papalayo na ng Pilipinas.