Babagsak na sa kalupaan ng silangang baybayin ng Cagayan o Isabela ngayong hapon, Nobyembre 14, ang bagyong Ofel.
Lilitaw ito muli sa may Babuyan at Balintang Channels sa Biyernes, Nobyembre 16, 2024, bago babagsak muli sa lupa malapit sa Babuyan Islands. Liliko ito patungo sa hilaga-silangan sa Sabado, Nobyembre 16, patungo sa karagatan sa silangan ng Taiwan.
(Larawan ng Pagasa)
Signal number 3 na sa hilaga-silangang bahagi ng Cagayan, partikular sa Santa Ana, dahil sa bagyong Ofel (international name: Usagi) na ngayon ay nasa typhoon category na.
Lalo pa itong lumalakas habang tinatahak ang direksyon na kanluran hilagang kanluran sa may karagatang nasa silangan ng Aurora Province.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kagabi ng alas 10:00, Nobyembre 13, 2024, ang sentro ng mata ng bagyong Ofel ay nasa 355 kilometro silangan ng Baler, Aurora o 295 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.
(Larawan ng Pagasa)
Dala nito ang lakas ng hangin na 150 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong 185 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras. Ang dala nitong hangin ay nakakasakop sa 320 kilometro mula sa sentro.
Signal number 2 na sa:
• Katimugang bahagi ng Batanes (Mahatao, Uyugan, Basco, Ivana, Sabtang)
• Nalalabing bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
• Hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, San Pablo, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Tumauini, Ilagan City)
• Apayao
• Hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Carasi, Vintar, Burgos, Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg).
Signal number 1 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng Batanes
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Quirino
• Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Ambaguio, Solano, Bayombong, Quezon, Bagabag, Diadi, Villaverde)
• Kalinga
• Abra
• Mountain Province
• Ifugao
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Norte
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, San Ildefonso, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Vicente, City of Vigan, Caoayan, Santa Catalina, Santa, Nagbukel, Narvacan)
• Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
Bagyong Ofel, Mag-la-Landfall Ngayong Hapon, Nobyembre 14, sa Cagayan o Isabela; May Ikalawang Landfall sa may Babuyan Islands | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: