Kalalabas lamang ng bagyong Nika, isa na namang bagyo ang pumasok sa Pilipinas at lumalakas lalo habang gumagalaw patungong hilaga-kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea.

News Image #1


Sa pinakahuling data ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas 10:00 ng umaga, ang sentro ng bagyong Ofel ay nasa 950 kilometro silangan ng Southeastern Luzon (13.8°N, 133.0°E).

Ang pinakamalakas na taglay nitong hangin ay 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 105 kilometro kada oras at may central pressure na 996 hPa.

News Image #2


Kumikilos ito sa bilis na 35 kilometro kada oras. May lawak naman ang malakas nitong hangin na 230 kilometro kada oras mula sa gitna.

Wala pang itinataas na wind signal sa pagpasok sa bansa ng bagyong Ofel subalit binabalaan na ang lahat mula sa paglalayag sa mga katubigan.

Tinatayang kikilos ang bagyong Ofel (international name: Usagi) ng pa-kanluran hilagang kanluran hanggang Huwebes ng gabi, Nobyembre 14, 2024, bago liliko ng hilaga-kanluran patungong hilaga sa kabuuan ng pagdaan nito sa bansa.

Posibleng bumagsak sa lupa ang bagyong Ofel sa Hilaga o Gitnang Luzon sa Huwebes ng hapon o gabi.

Posibleng mas lumakas pa ang bagyong Ofel at aabot ng hanggang typhoon category bukas ng gabi, Nobyembre 13 o sa Huwebes ng umaga.

(Mga larawan ng PAGASA)