Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyong Pepito (international name: Man-yi) ang tatamaan nito ay ang Visayas, Bicol Region, Gitna at Katimugang Luzon at maging ang Metro Manila.
Ito ang nakikita ngayon sa direksyon ng bagyong Pepito na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) o nasa 1, 705 kilometro sa silangan ng Eastern Visayas. Posibleng pumasok ang bagyong Pepito sa PAR ngayong Huwebes ng gabi, Nobyembre 14, 2024, makaraan namang mag-landfall sa Cagayan o Isabela ang bagyong Ofel sa hapon.
Ang dalang hangin ng bagyong Pepito sa ngayon ay may bilis na 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 90 kilometro kada oras. Kumikilos ito patungo sa kanluran timog kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Posible namang mag-landfall ang bagyong Pepito sa silangang baybayin ng Katimugang Luzon sa Nobyembre 16 o 17. Posible pa ring magbago ito, ayon sa PAGASA, lalo na sa ika-apat o ika-limang araw ng forecast track. Kaya ang landfall ng bagyong Pepito ay maaaring mabago pa at mapunta ito sa silangang baybayin ng Gitnang Luzon hanggang sa silangang baybayin ng Eastern Visayas.
Posibleng umabot sa typhoon category ang bagyong Pepito ngayong Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga. Posible ring umabot pa sa super typhoon category bago ito bumagsak sa lupa.
Nagbabala ang PAGASA sa mga taga-Luzon sa malakas na ulan at hanging dala ng bagyong Pepito.
"Although it is too early to exactly determine the specific areas to be affected by certain hazards and due to the shifting track forecast of MAN-YI, most areas in Luzon are at risk of heavy rainfall, severe wind, and, possibly, storm surge inundation from MAN-YI which may cause considerable impacts. Regardless of the position of the landfall point, it must be emphasized that hazards on land and coastal waters may still be experienced in areas outside the landfall point or forecast confidence cone," ang pahayag ng PAGASA.
(Mga larawan mula sa PAGASA)
Bagyong Pepito, Tatama sa Visayas, Bicol, Gitna at Katimugang Luzon at maging sa Metro Manila Kung Hindi Magbabago ang Direksyon; Landfall sa Nobyembre 16 o 17 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: