Isang bangkay ng lalaking nasa pagitan ng edad 30 hanggang 35 ang nakitang lumulutang sa creek ng Barangay Hagonoy, sa may C6, bahagi ng Laguna Lake.
Sinabi ng Taguig City Police sa Taguig.com na isang concerned citizen na nagngangalang Carlos ang nakakita sa bangkay na nakabalot sa packing tape kaninang (October 29, 2023) alas 10 ng umaga.
Dinala na ang labi sa Loreto Funeral Homes sa MLQ Street, malapit sa Camp Bagong Diwa, Taguig.
Iniimbestigahan ngayon ng Scene of Crime Officer (SOCO) ang naturang labi at kung sino ang posibleng nagtapon nito sa creek.
Bangkay ng Lalaki, Natagpuan sa Creek ng Barangay Hagonoy | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: