Huling araw na ng 2024 online Bar examinations ngayong Linggo, Setyembre 15, 2024, sa 13 lokal na testing centers sa buong bansa, kabilang sa University of the Philippines sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Mahigit sa 10, 400 ang mga nag-eksamin sa Bar sa unang araw noong Setyembre 8 at ikalawang araw noong Setyembre 11 ng eksaminasyon.
Kabilang sa mga pagsusulit sa Setyembre 15 ay ang Criminal Law sa umaga at Remedial Law at Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises sa hapon.
Ang mga papasa sa pagsusulit ay ilalabas ng Korte Suprema bago matapos ang taon at ang panunumpa at paglagda sa Roll of Attorneys ay iiskedyul makalipas ito.
Sa pangunguna ni Chief Justice Alexander Gesmundo at iba pang justices, inikot ng mga ito ang mga testing centers sa iba't ibang panig ng bansa upang makita ang mga pangyayari.
(Mga larawan mula sa Facebook page: Supreme Court PH)
Bar Exams, Huling Araw na Ngayong Linggo, Setyembre 15, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: