Libreng konsultasyon, gamot, mga gamit-medikal, laboratoryo at mga gulay ang hatid ng Taguig Love Caravan na magtutungo sa Barangay Cembo bukas, Pebrero 17, 2024.
Inaanyayahan ang mga residente ng Barangay Cembo na magtungo sa Cembo Elementary School sa Acacia Street, Barangay Cembo, Taguig City, ngayong Sabado mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon para sa libreng medical at dental health services.
Makaraan ang biglaang pagsasara ng Makati ng mga health centers sa EMBO barangays, tiniyak ni Taguig Mayor Lani Cayetano na makakarating sa mga mamamayan ng EMBO ang tulong pangkalusugan sa pamamagitan ng Taguig Love Caravan na may dalang mga manggagamot, kagamitan sa panggagamot, laboratory at diagnostic services, at mga gamot at gulay para sa nutrisyon ng mga mamamayan.
Ang iskedyul bukas ay para lamang sa mga residente ng Cembo, at ang mga residente sa iba pang EMBO barangays ay personal ding pupuntahan ng Taguig Love Caravan sa mga susunod na araw.
Kabilang sa mga libreng serbisyo ng Taguig Love Caravan ay ang konsultasyon at check-up; diagnostics at laboratory tests tulad ng CBC, urinalysis, random blood sugar, blood typing, chest X-ray at ECG; mga bakuna laban sa pneumonia sa edad 18 pataas; at bakuna para sa mga batang mababa sa limang taon tulad ng hepatitis B, Penta, OPV, IPV at MMR.
Sa mga buntis, maaaring magpa-check up sa OB Gynecologist na kasama ng Taguig Love Caravan para sa kanikang prenatal, magpa-ultrasound, visual inspection with acetic acid at pagtuturo tungkol sa pagpa-plano ng pamilya.
Mayroon ding mga dentista na maaaring magbunot ng mga bulok na ngipin o konsultahin sa anumang problema sa kanilang bibig.
Ang botika ng Taguig Love Caravan ay may dalang mga gamot para sa maintenance ng mga maysakit sa Barangay Cembo, at maging sa mga iniresetang gamot ng kanilang manggagamot.
Sa bahagi naman ng nutrisyon, mayroong food o cooking demonstration at pamamahagi ng mga gulay at mga sangkap sa pagluto.
Aalalayan din ang mga wala pang membership sa PhilHealth para may gagamitin sakaling ma-ospital.
(Art card at file photos mula sa Taguig PIO)
Barangay Cembo, Pupuntahan ng Taguig Love Caravan sa Pebrero 17, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: