Matagumpay na naisagawa ang Indakan sa Daan noong Hulyo 27, 2024, Sabado, bilang bahagi ng selebrasyon ng Taguig River Festival kaalinsabay ng Piyesta ni Santa Ana na isinagawa naman sa Taguig City Hall grounds.
Nagwagi ng Grand Prize sa folk dance competition ang Barangay Central Signal dahil sa kanilang Kalinga Pattong o Bontoc War Dance.
Ang first runner-up naman ay ang Barangay Pitogo at 2nd runner up ang Barangay Bagumbayan. Ang Barangay Bagumbayan din ang nagwagi ng Best In Costume.
Brgy. Pitogo and Brgy. Bagumbayan were named 1st Runner-Up and 2nd Runner-Up, respectively. Brgy. Bagumbayan also won Best in Costume.
Tatlumpu't tatlong barangay ang nagpakita ng kanilang husay sa Pilipinong sayaw na may 4 na kategorya: Barrio, Cordillera, Mindanao at may Impluwensyang Espanyol.
Binigyang diin ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang kahalagahan ng mga pagpapalabas na ito bilang pagpupugay sa kultura at pamanang Pilipino.
Sinabi rin ni Cayetano na ang Taguig, bilang isang Probinsyudad, ay bukas sa iba't ibang kultura.
"Mayroong galing sa Mindanao, Visayas, at North pero nahanap nila ang kanilang tahanan dito sa Taguig," ayon kay Cayetano.
Binigyan din ng parangal sa kumpetisyon ang mga nagsanay at nag-choreograph sa mga nanalong kalahok.
Kabilang sa mga hurado sina Ivannovich Dmitriv Agote mula sa Department of Tourism - National Capital Region, Randy Carlos Guevara ng Sindaw Philippines Performing Arts Guild, Marciano Viri bg Committee on Dance ng National Commission for Culture and the Arts, Rene Lapenas ng Artistic Committee ng Metropolitan Theater, at ang dating Bayanihan Philippine Dance Company member na si Maria Angeli Toral Menorca.
(Mga larawan mula sa Taguig PIO)
Barangay Central Signal, Wagi sa Indakan sa Daan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: