Pinaghahanda ng Manila Electric Company (MERALCO) ang iba't ibang lugar sa Taguig City sa pagpatay ng kuryente mula Hunyo 29 hanggang Hunyo 30, 2024 dahil sa kanilang isasagawang maintenance activities.

News Image #1

(Kuha ng Taguig.com member)

Kabilang sa maaapektuhan ng pansamantalang power interruption sa pagitan ng alas 9:00 at alas 9:30 ng umaga at sa pagitan ng ala 1:30 ng hapon hanggang alas dos ng hapon ng Hunyo 29, 2024 ay ang mga bahagi ng Sampaguita Street mula J.P. Rizal hanggang 9th Street kasama ang Jollibee, at ang 8th at 9th Streets sa Barangay Comembo.

Sa pagitan naman ng alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon, mawawalan ng kuryente sa Hunyo 29 ang bahagi ng J. P. Rizal St. mula 27th Ave. hanggang Anahaw St. kasama ang Philippine Army Village Homeowners Asso. Inc. (PAVAI); KFC, Mercury Drugstore, Meriras Commercial Complex, Mormon Church at Benigno "Ninoy" S. Aquino High School sa mga barangay ng Comembo at East Rembo.

Mawawalan din ng kuryente sa naturang oras ang bahagi ng Anahaw Street mula J. P. Rizal St. hanggang Apitong, Alagao, Aguho, Tanguile, 1st, 3rd, 4th at 5th Sts.; at ang Comembo Barangay Hall sa Barangay Comembo.

News Image #2

(Kuha ni Dek Terante)

Mawawalan din ng kuryente sa may Carlos P. Garcia Avenue o C5 Road sa may Barangay Ususan, Taguig City sa Hunyo 30 dahil sa line reconstruction at line reconductoring works.

Kabilang sa apektado sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon ay ang bahagi ng Carlos P. Garcia Ave. (C-5 Road) mula Pinagsama Village Phase 2 hanggang PDS Ave. kasama ang bahagi ng Diego Silang Village, MRB Condominium Compound; at Bases Conversion & Development Authority (BCDA) Field Office sa mga Barangay ng Ususan at Western Bicutan.

Kasama rin sa mawawalan ng kuryente sa Hunyo 30 ang bahagi ng PDS Avenue mula Carlos P. Garcia Ave. (C-5 Road) hanggang Cypress Tower sa Barangay Ususan.

Sinabi ng Meralco na papalitan nila ang ilang poste, magsasagawa ng line reconductoring works at maglalagay ng dagdag na proteksyon laban sa kidlat sa mga panahong ito.