Umabot na sa PHP1.082 bilyon halaga ng mga barya ang naideposito sa mga coin deposit machines (CoDM) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

News Image #1

(Larawan ng Philippine News Agency)

Sinabi ng BSP na sa pinakahuling ulat sa kanila noong Nobyembre 15, ang CoDMs ay nakakalap na ng mahigit sa 280 milyong piraso ng perang barya at naisakatuparan ang mahigit sa 255,000 transaksyon,

Ang proyektong CoDM ay inilunsad noong Hunyo ng nakaraang taon at naging dahilan ito para ng mga customer ay makapagpapalit ng kanilang barya kung saan napapalitan ito ng shopping vouchers o inililipat ang kaukulang halaga sa kanilang electronic wallet accounts sa GCash o sa Maya.

Ito ay bahagi ng Coin Recirculation Program ng BSP upang ang mga naitatagong barya ay mapaikot muli at magamit ng mga mamamayan.

Sa Taguig City, ang coin deposit machine ay nasa SM Hypermarket FTI-Taguig. Narito ang iba pang lugar kung saan may CoDM:
Robinsons Place Metro East, Pasig City; Robinsons Place Novaliches, Quezon City (QC); Robinsons Place Antipolo, Rizal; Robinsons Place Magnolia, QC; Robinsons Place Ermita, Manila; Robinsons Place Galleria, Ortigas; Festival Mall, Muntinlupa City; SM Megamall, Mandaluyong City; SM City Grand Central, Caloocan; SM City Marilao, Bulacan; SM City Taytay, Rizal; SM Southmall, Las Piñas City; SM City Sucat, Parañaque; SM City Calamba; SM City Marikina; SM City San Mateo, Rizal; SM City Valenzuela; SM Mall of Asia, Pasay City; SM City North EDSA, QC; SM City Fairview, QC; SM City San Lazaro, Manila; SM City Bicutan, Parañaque; at SM City Bacoor, Cavite.