Nakataas na ang Signal Number 5 sa hilaga at silangang bahagi ng Batanes, partikular sa Itbayat at Basco, dahil sa napakalakas na hanging dala ng Bagyong Leon (international name: Kong Rey).

News Image #1


Bayolenteng kondisyon ang nararanasan ngayon ng Batanes ngayong ang Bagyong Leon ay nasa 140 kilometro na sa silangan ng Basco, Batanes (20.5°N, 123.3°E) batay sa pinakahuling ulat ng Pagasa kagabi ng alas 11:00, Oktubre 30, 2024.

News Image #2


Dala ng Bagyong Leon ang hanging nasa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 230 kilometro kada oras.

Kumikilos ito patungong hilaga-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

News Image #3


Ang napakalakas na hangin nito ay sumasakop sa 600 kilometro mula sa gitna.

Sa kasalukuyan, ang Tropical Cyclone Wind Signal 5 ay nakataas na sa Itbayat at Basco, Batanes.

Signal number 4 naman sa iba pang bahagi ng Batanes.

Signal Number 3 naman sa silangang bahagi ng Babuyan Island kasama ang Camiguin Island at Calayan Island, at gayundin sa hilaga-silangang bahagi ng mainland Cagayan o sa Santa Ana.

Signal Number 2 naman sa iba pang bahagi ng Babuyan Islands, sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, hilagang bahagi ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Mallig, Maconacon), Apayao,hilagang bahagi ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal), hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong), at sa Ilocos Norte


Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Abra, nalalabing bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, hilaga at gitnang bahagi ng Pangasinan (Basista, Lingayen, Villasis, City of Alaminos, Anda, Malasiqui, Tayug, San Fabian, Mangaldan, Mapandan, Burgos, Dagupan City, Binalonan, Bolinao, Alcala, San Manuel, Sual, Umingan, Asingan, Labrador, Bani, Santo Tomas, Pozorrubio, San Quintin, Santa Maria, City of Urdaneta, Laoac, Natividad, Mabini, San Carlos City, Manaoag, Binmaley, San Jacinto, Bugallon, Agno, Calasiao, San Nicolas, Santa Barbara, Balungao, Sison, Rosales), hilaga at silangang bahagi ng Nueva Ecija (Bongabon, Carranglan, Pantabangan, Laur, Rizal, Cuyapo, Talavera, Santo Domingo, Llanera, Science City of Muñoz, General Mamerto Natividad, San Jose City, Lupao, Talugtug, Gabaldon), at hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis, Dilasag)


Inaasahang kikilos ang Bagyong Leon patungo sa hilaga-kanluran sa may Philippine Sea hanggang ito ay mag-landfall sa silangang baybayin ng Taiwan ngayong Oktubre 31 ng hapon.

Magtutungo ito sa East China Sea makaraang tumawid sa kalupaan ng Taiwan at lalabas sa Philippine Area of Responsibility ng Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.

Posibleng maglandfall muli ito sa China.

Posible ring maglandfall sa Batanes.

(Mga larawan mula sa PAGASA)