Inilunsad ang "Bayanihan sa Barangay Project" ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pembo Elementary School, Taguig City noong Oktubre 10, 2024, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Taguig.

Layunin ng proyekto na isulong ng pagtutulungan sa barangay para sa kalinisan.

News Image #1


Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na patuloy silang makikipagtulungan sa Taguig para sa pagtatanggal ng mga bara ng mga imburnal, pagputol ng mga puno, pagpapa-usok para itaboy ang lamok, pagpipintura ng mga tawiran ng tao, at paglilinis ng mga daluyan ng tubig partikular sa kanilang ginawa sa Barangay Pembo, Cembo at Comembo.

Nagpasalamat naman si Cayetano sa ginawang ito ng MMDA at binigyang diin na responsibilidad ng bawat mamamayan ng Taguig na panatilihin ang kalinisan.

News Image #2



Samantala, ang mga estudyante ng Pembo Elementary School ay tinuruan naman kaugnay ng mga ordinansa na nagbabawal sa pagkakalat, paninigarilyo, paghahanda sa sakuna at ang trash-to-cash project.

(Mga larawan mula sa FB Page: I Love Taguig)