Sari-saring dumi ang nakuha ng mga nag-bayanihan upang malinis ang bahagi ng Laguna Lake noong Setyembre 16, 2023.

News Image #1


Bilang pagdiriwang ng International Coastal Clean-up Day, nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng Taguig ng sabayang paglilinis sa Laguna Lake Highway o C6 Road sa Pinagbuklod, Barangay Sta. Ana, Taguig City.

News Image #2


Sa temang "Reviving the Spirit of Bayanihan; Let's All Volunteer for the Environment," nilalayon nitong mabawasan ang mga dumi sa mga katubigan na nagiging dahilan ng polusyon na banta sa mga lamang dagat at nasa ilog, at pagbabaha na nakakaapekto naman sa tao.

News Image #3


Kabilang sa mga tumulong aa clean-up drive ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) - Taguig, Department of the Interior and Local Government (DILG), PNP Maritime, Manila Water, Lake & River Management Office (LRMO), Task Force Flood Control Management Office, and the City Environment and Natural Resources Office (CENRO), at ibang City Departments.

(Photos from Taguig PIO)