Ang kauna-unahang bed cinema sa Pilipinas ay pormal nang binuksan sa Uptown Bonifacio Global City Mall noong Nobyembre 8 na dinaluhan ng mga sikat na celebrities na sina Liza Soberano, KC Concepcion, Alodia Gosiengfiao at iba pa.
Dalawampu't anim na beds na gawa ng Tempur, kilalang brand ng kutson at unan, ang nasa bed cinema kung saan ang bawat kama ay maaaring mahigaan ng dalawa katao.
Ang ticket ay nagkakahalaga ng ₱1,000 kada isang tao. Nangangahulugan itong ang bawat kama, dahil dalawa ang makakahiga, ay nagkakahalaga ng ₱2,000. Kung mag-isa lamang at ayaw na may katabi, babayaran ng indibidwal ang kabuuang ₱2,000 sa bawat kama.
May kasama na ring gourmet snack at inumin ang babayarang ticket.
Sa bawat pagtatapos ng pelikula, lilinisin ng mga housekeepers na sinanay ng mga tauhan ng Megaworld Hotels and Resorts.
Pinapalitan din ang mga unan at kumot makaraan ang bawat panonood.
Kahit ano ang isuot ay pupuwede, kahit pantulog. Subalit kailangang nakamedyas ang hihiga sa bed cinema. Kung sakaling walang medyas, may mabibili naman sa ticket booth.
Bawal ang pagkain at inuming binili sa labas, ang pagrerecord ng pelikula, pagdadala ng baril o anumang nakamamatay na sandata, at ang pagdadala ng pets.
Marami na ring bed cinemas sa buong mundo katulad ng CJ CGV cinema na nasa Gangnam, Seoul, South Korea, Buda Bed Cinema sa Budapest, Blitz Megaplex sa Jakarta, Gold Class Movies sa Sydney, Australua, at ang Enigma Theater sa Bangkok, Thailnd.
Bed Cinema sa Uptown Mall BGC, Bukas Na; P1, 000 Kada Tao, Dapat Naka-Medyas | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: