Isang 25 taong gulang na lalaki ang nakumpiskahan ng 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 milyon sa Taguig City noong Biyernes, Oktubre 13.

Inaresto ng mga operatiba ng Drug Enforcement Group ng Taguig City Police si Arnold Jose Banta ng Barangay Pinagsama bandang alas 5:00 ng hapon sa naturang lugar makaraang makipagtransaksyon sa isang nagpanggap na bibili ng droga na isang pulis.

Samantala, pinaghahanap ngayon ng Taguig City at Makati City Police ang isang nagngangalang Patrick Omaña alyas Philip na nakatakas sa isinagawang operasyon ng mga ito sa 81-D 1st Avenue, East Rembo, Taguig City noong Oktubre 16 ng alas 9:30 ng gabi.

Naaresto sa isinagawang buy-bust operation ang mga kasamahan ni Omaña na sina Sandra De Vera alyas Dada at Lloyd Kirk Dela Fuente alyas Basher kung saan nakumpiska sa mga ito ang 153 gramo ng hinihinalang shabu may standard drug price na P1, 040, 000.

News Image #1


Nakuhanan din ang mga ito ng 4 na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga naman ng P480.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang mga suspek.

(Photo by Southern Police District)