Isang Chinese na babae ang nakapanatili sa Pilipinas nang walang arrival stamp sa kanyang pasaporte at wala ring arrival record sa Bureau of Immigration (BI).

News Image #1

(Larawan ng Bureau of Immigration)

Ito ang pinaiimbestigahan ngayon ni BI Commissioner Norman Tansingco habang nasa Immigration Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang Chinese national na si Zhang Zimo, 23 anyos, na inihahanda na para sa deportasyon.

Si Zhang ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Hunyo kinse bago pa ito nakasakay sa kanyang flight sa Guangzhou, China.

Nang eksaminin ng isang immigration officer ang pasaporte ni Zhang, napansin na wala itong arrival stamp. Wala rin itong arrival records sa Pilipinas.

"It is a blatant offense for any foreigner to enter the country without inspection and admission by immigration authorities or obtains entry into the Philippines by willful, false or misleading representation," ayon kay Tansingco.