Handa na ang Bonifacio Global City (BGC) Taguig para sa isasagawang malaking pagsalubong sa Bagong Taon sa pamamagitan ng New Year's Eve (NYE) at the 5th mamayang gabi ng Disyembre 31, 2024.
Kabilang sa magtatanghal ang mga OPM artists na sina Sarah Geronimo, Rico Blanco at Juan Karlos. Ang mga K-Pop fans naman ay pasasayahin ng grupong Itzy mula sa South Korea, at magtatanghal din ang British duo na Honne.
Magbubukas ang gates para sa konsyerto ng alas 7:30 ng gabi. Bukas ito sa publiko at nasa "first come, first served basis.
Ang mga VIP tickets ay hindi ibinebenta, at ito ay para lamang sa mga partners at sponsors ng naturang kaganapan kung saan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang isa sa pangunahing partner nito.
Isang engrandeng fireworks display ang masasaksihan sa pagpapalit ng taon at magtutuloy ang konsyerto hanggang alas 1:00 ng umaga ng Enero a uno.
Ipinaalala ng pamunuan ng BGC na bawal magdala ng pagkain at inumin sa loob ng concert grounds, bagaman at pinapayagan ang tubig sa bote basta't walang takip ang bote.
Bawal din ang pagdadala ng sariling upuan, sigarilyo at vape, boteng babasagin, matutulis na bagay, mahabang payong at iba pa batay sa nakasaad sa art card sa ibaba.
Mayroong itinakdang family zones kung saan maaaring makapanood sa malaking screen ang mga matatanda at bata.
Nagtakda rin ng mga parking areas ang BGC para sa mga nagnanais na makapanood.
May ilan ding isasarang kalye sa panahon ng pagtatanghal base sa nakalagay sa art card sa ibaba.
(Mga larawan ng BGC)
BGC at Buong Taguig, Handa na sa NYE at the 5th Mamayang Gabi, Disyembre 31, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: