Ang Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig ang ika-43 pinakamahal na retail street base sa renta (lugar na bilihan o opisina na napupuntahan ng mga naglalakad na mga tao) sa buong mundo.
Ito ay batay sa ulat ng Cushman & Wakefield, isang commercial real estate services na kumpanya.
Sa Main Streets Across The World 2024 report nito, hindi nagbago ang ranggo ng BGC mula sa dating puwesto nito noong 2023.
Ang renta sa retail sa BGC ay tumaas pa ng 3% year-on-year sa halagang $51 per square foot bawat taon.
Ang pinakamahal na retail street sa taong 2024 ay ang Via Montenapoleone sa Milan, Italy
Naungusan nito ang Fifth Avenue ng New York City.
"This reflects robust rental growth on the Italian street, exceeding 30 percent in the last two years, further bolstered this year by the euro's appreciation against the US dollar," ayon sa ulat ng Cushman & Wakefield.
Tumaas ng 11 porsiyento ang renta ng mga nasa retail street ng Via Montenapoleone kung saan ang halaga ay nasa $2,047 per square foot bawat araw.
Ang Upper Fifth Avenue ang ikalawang pinakamahal na retail strees kung saan ang renta ay nasa $2,000 per square foot.
Nasa listahan din ng mahal ang renta na retail streets ang New Bond Street sa London, Tsim Sha Tsui sa Hong Kong Avenue de Champs-Elysees sa Paris, France.
(Mga larawan ni Marou Sarne)
BGC, pang 43 sa Mundo na Pinakamahal ang Renta na Retail Street | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: