Isang malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ipatutupad simula ngayong araw na ito, Agosto 13, 2024.
Batay sa ulat ng mga kumpanya ng petrolyo, ang ibababa sa presyo ng gasolina ay P2.45 kada litro, sa diesel naman ay P1.90 kada litro at ang kerosene ay P2.40 kada litro.
(Larawan ni Dexter Terante)
Ito ang ikatlo nang rollback ng presyo ng gasolina at panglima naman sa diesel.
Sinabi ng Department of Energy - Oil Industry Management Bureau mula sa tanggapan nito sa Bonifacio Global City, Taguig City na ang pagbaba ay bunga ng pag-aalala sa recession sa Estados Unidos, tensyon sa mundo at ang hindi masyadong paggamit ng China ng mga produktong petrolyo.
Sa kabila ng rollback, malaki pa rin ang itinaas ng presyo ng gasolina simula ng taong ito sa P9.50 lkada litro sa gasolina at P6.65 kada litro sa diesel.
Big-Time Rollback sa Presyo ng mga Produktong Petrolyo, Epektibo Ngayong Agosto 13, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: