Ibababa ng Department of Agriculture ang presyo ng ibinebentang bigas sa mga tindahan ng Kadiwa sa bansa.
(Larawan ng PhilRice)
Sinabi ni Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na simula sa darating na Biyernes, Oktubre 11, 2024, magiging P43.00 na lamang kada kilo ang well-milled rice sa ilalim ng Rice-for-All program.
Noong Agosto, inilunsad ng DA ang Rice-for-All program na kung saan ang bigas na itinitinda sa piling tindahan ng Kadiwa ay nasa P45.00 kada kilo.
Maibababa simula sa Oktubre 11 ang presyo kada kilo ng bigas sa Kadiwa sa P43.00 kada kilo dahil bumaba rin ng presyo ng bigas sa merkado. Batay sa monitoring ng DA, ang bigas sa mga pamilihan sa Metro Manila ay nasa pagitan ng P45.00 hanggang P55.00 kada kilo.
Ang inisyatibo na Rice-for-All ay nagmula sa P29 Rice Program kung saan makakabili ang mga mahihirap at bulnerableng sektor ng P29.00 kada kilo ng bigas dahil sinasagot ng pamahalaan ang kapupunan nito.
Ang Rice-for-All program ay para sa lahat ng bibili sa mga Kadiwa stores sa bansa.
Isa sa mga Kadiwa stores ay nasa FTI-Taguig.
Magbubukas din sa Oktubre 11 ng bagong Kadiwa stores sa mga sumusunod na lugar:
Ocean Fish - Brgy. 8, Caloocan
Brgy 28 Zone 3 Caloocan City - Site 1
Brgy 28 Zone 3 Caloocan City - Site 2
BFAR - Longos, Malabon City
Kalt Alles - NFPC-PFDA, NBBN, Navotas
18 Tuazon, Brgy. Potrero, Malabon
Kalt Alles - Potrero, Malabon
Sauyo, Quezon City
Brgy. Canlubang, Calamba,, Laguna Compound
Brgy. Daang Bakal, Mandaluyong
Brgy Hulo Mandaluyong City
Brgy. Addition Hills-
BFCT Bagsakan, No. 1 Marcos Highway, Marikina City
Brgy. Tanong, Marikina
Fortune Barangay Hall, Barangay Fortune, Marikina City
Concepcion Uno Barangay Hall, Concepcion Uno, Marikina City
Lot 12 Blk 4 R Thaddeus St. Marietta Romeo Village Brgy. Sta. Lucia Pasig City
No 4 Geronimo, Philand Drive, Brgy Pasong Tamo, QC
Zamora St. Cor A. Bonifacio, Brgy Sta. Lucia, Quezon City
Alley 4, Bulacan St., Brgy. Payatas B, Quezon City
Bigas sa Kadiwa Stores, Ibababa sa P43.00 Kada Kilo Simula Oktubre 11, 2024; Mayroon Pa Ring P29 Kada Kilo Para sa Mahihirap at Bulnerableng Sektor | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: