Bigayan na ng Pamaskong Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ngayong katapusan ng Nobyembre hanggang unang dalawang linggo ng Disyembre.
May itinakdang araw ng bigayan ng Pamaskong Handog sa bawat barangay at narito ang iskedyul para sa:
Nobyembre 29, 2024 (Biyernes):
7:00 am Barangay Calzada Tipas sa Calzada Parking Space
8:00 am Barangay Calzada Tipas sa Paulina Covered Court
10:00 am Barangay Palingon Tipas sa Amba Pedong Covered Court
1:00 pm Barangay Ligid Tipas sa Cayetano Covered Court
3:00 pm Barangay Ibayo Tipas sa Ibayo Multipurpose Building
Nobyembre 30, 2024 (Sabado):
7:00 am Barangay Santa Ana
8:00 am Barangay Bambang
9:00 am Barangay Tuktukan
lahat ng ito ay sa Taguig Integrated School
10:00 am Barangay Wawa
11:00 am Barangay San Miguel
ang dalawang ito ay sa Taguig Science High School
1:00 pm Barangay New Lower Bicutan sa R.P. Cruz Elementary School
3:00 pm Barangay New Lower Bicutan sa Taguig National High School
Kailangan lamang na ipakita ang ticket sa Public Order and Safety Office (POSO) officers upang makapasok sa lugar ng distribusyon ng Pamaskong Handog. Kapag walang tiket, hindi papapasukin.
Ibinawal din ng Pamahalaang Lungsod ang pagdadala ng mga bata sa distribution venues upang hindi sila masaktan o mawala.
Hindi rin papapasukin sa distribution centers ang mga senior citizens, persons with disabilities at buntis dahil ihahatid ang kanilang Pamaskong Handog sa bahay simula Nobyembre 15, 2024.
Ang laman ng Pamaskong Handog ay 3 Argentina Meat Loaf, 2 malaking lata ng Argentina corned beef, 1 Original Hotcake Mix, 1 kahon ng Eden Cheese, isang Kremdensada, 1 Fruit Cocktail, 1 pack ng Oreo, 1 kilo ng Royal Spaghetti Pasta at Sauce, 10 kilo ng bigas at magagamit muli na sako at lalagyang plastik.
(Larawan ng Taguig PIO)
Bigayan ng Pamaskong Handog ng Taguig City sa Bawat Barangay, Sisimulan na sa Nobyembre 29, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: