Nadismaya ang mga residente ng Taguig sa biglang paghinto ng serbisyo ng point-to-point (P2P) buses ng Metro Express Bus o MexBus mula Taguig hanggang Makati at Taguig hanggang Ortigas at balikan.
Inihinto ng MexBus ang kanilang pagba-biyahe sa mga naturang ruta simula noong Lunes, Pebrero 19, 2024.
(Art card mula sa MexBus Facebook Page)
Pinayuhan ng MexBus ang mga pasaherong apektado na humanap na lamang ng alternatibong sasakyan patungo sa kanilang patutunguhan.
(Screenshot mula sa comments ng netizens sa MexBus Page)
"We extend our gratitude for your support and request you to plan alternative commuting options accordingly. We apologize for any inconvenience and appreciate your understanding," ang pahayag ng MexBus sa post nito sa kanilang official Facebook Page.
Ilang mga mananakay ang nabigla sa paghinto ng operasyon ng MexBus at nagkumahog na maghanap ng alternatibong masasakyan, tulad ng carpooling.
Ang ilan naman ay humanap ng ibang pampublikong transportasyon kung saan tiniis na lamang ang matinding siksikan.
(Photo by Sanchichay)
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na katugunan ang Taguig.com mula sa Metro Express kung bakit inihinto ang kanilang regular na biyahe sa Taguig tungong Makati at Taguig tungong Ortigas.
Biglang Paghinto ng Serbisyo ng P2P ng MexBus sa Taguig tungong Makati at Ortigas, Ikinadismaya ng mga Mananakay | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: