Tumataas ang bilang ng mga naoospital ngayong taglamig at panahon ng kainan sa Pilipinas.
Napag-alaman na nagkaroon ng 25% hanggang 30% na naoospital dahil sa upper respiratory tract infection na karaniwan ay mga bata at matatanda o senior citizens.
Tumataas din ang bilang ng mga nagkakaroon ng holiday heart syndrome dahil sa mga maling kinakain at paraan ng pamumuhay.
Sa pinakahuling Usapang Puso sa Puso ng Philippine Heart Association, sinabi ni Dr. Luigi Segundo, PHA Director, na mahalagang ang handa ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon ay mga pagkaing pampalusog at hindi pampalala ng sakit.
"Cardiovascular diseases, such as heart ailments, stroke, and hypertension, peak during the holidays," ayon kay Segundo na isang cardiologist at electrophysiologist. "We're not stopping anyone from celebrating, but we encourage moderation and infusing traditional Christmas meals with healthier options. Hinay-hinay lang po."
Sa pakikipagtulungan kay Chef Margarita Fores, na kinilala bilang Asia's Best Female Chef ng Asia's 50 Best Restaurants inoong 2016, nagturo ito ng paghahanda ng malusog na pagkain sa social media episode ng Usapang Puso sa Puso.
"Italian cooking is naturally healthy because it doesn't alter the form or shape of ingredients too much. It's the perfect approach to highlight heart-healthy meals," ayon kay Fores kasabay ng pagsasabing ang mga simpleng pamamaraan sa pagluluto at pagdadagdag ng mga sariwang sangkap at herbs ay makakatulong hindi lamang sa lasa ng pagkain kung hindi maging sa pangkabuuang kalusugan ng mga mamamayan.
Ipinakita ni Fores kung paano niluluto ang pasta na gumagamit ng sariwang organic na gulay tulad ng talong, kabute, zucchini, dilaw at pulang bell peppers, basil, dahon ng malunggay at pinausukang kesong puti.
Sinabi naman ni Dr. Segundo na ang pagdadagdag ng olive oil sa pasta dish ay mas makakatulong sa kalusugan dahil ito ay may polyunsaturated fats. Pero hindi dapat ito painitin ng matagal, ayon naman kay Chef Fores, dahil maaari ring makakanser kapag ito ay nainit ng napakatagal.
Maaari rin aniyang ipalit sa asin ang olives, capers, at sun-dried tomatoes upang magkalasa ang pasta dahil ito ay mayroong umami flavor.
(Screenshots mula sa Philippine Heart Association video)
Bilang ng mga Naoospital Ngayong Kapaskuhan, Tumaas ng 25% Hanggang 35%; May Payo ang Philippine Heart Association sa Mas Malusog na Handa | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: