Binabalewala ng mga social media influencers ang mga notice na ipinadadala sa kanila ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang boluntaryong sumunod sa nga batas sa buwis.
Dahil dito, sinabi ng BIR na magsasampa na sila ng kasong tax evasion laban sa mga ito.
Sinabi ng BIR na inasahan nilang ang mga influencers ang kusang susunod sa pagbubuwis dahil magtatagal pa kung BIR ang hahabol sa mga ito bunga ng ang kita ng mga ito ay nanggagaling sa technology giants na nakabase sa ibang bansa kung saan walang hurisdiksyon ang BIR.
"As we look at compliance and returns of requests for information, issuance of LOA (letters of authority) and/or filing of cases for tax evasion [because of their] disregard of BIR notices is not unlikely," ayon kay BIR Assistant Commissioner Jethro Sabariaga.
Hindi nagbigay si Sabariaga ng data ng mga influencers na patuloy na minomonitor ng BIR.
Sinimulan ng BIR and paghabol nito sa mga hindi nagbabayad ng buwis na influencers noong 2021.
Tinarget nito ang may 250 social media celebrities na tinatayang kumikita ng milyon milyong piso at nakakakuha ng mga libreng produkto sa pamamagitan ng kanilang vlogs at posts sa social media.
(Photo by BIR)
BIR Hinahabol ang Social Media Influencers na Ayaw Magbayad ng Buwis | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: