Dagsa ang mga taong bumibisita sa Christmas by the Lake upang tunghayan ang Taguig Lights of Christmas sa TLC Park, Mercado del Lago, C6, Lower Bicutan, Taguig City. (I-click and video ng Taguig PIO para makita ang kabuuan ng parke.)



Ang anim na ektaryang lugar sa may Laguna Lake ay mas maraming lights at attractions ngayong taong ito na magandang pang-post sa social media.

News Image #1


Bukas ito ng Linggo hanggang Huwebes, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi at Biyernes hanggang Sabado, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi.

News Image #2


Libre ito sa lahat, kahit sa mga hindi taga-Taguig, kinakailangan lamang na magpalista online para mas madaling makapasok sa parke.

Maaaring bisitahin ang link na ito para makapagpa-book ng pagbisita: https://tlcpark.taguig.info/schedule

Bukod sa mga makukulay na ilaw at mga entertainers, mayroon ding mga lugar ng kainan.

Kabilang sa mga attractions ang Graffiti Tunnel na kung saan nagpapakita ng murals ng mga lokal na artists na gawa sa fluorescent materials, ang Giant Coloring Floor, 3D Lighted Church na replica ng Santa Ana Church at ang Dancing Light Tunnel.

News Image #3


Mayroon ding Aqua Luna Lights and Sounds Show na may laser beam animation na sumasabay sa mga sound effects.

Ang Christmas Park by the Lake ay bukas hanggang sa Enero 14, 2024. Narito ang kumpleto nitong address: 393 C-6, Lower Bicutan, Taguig City.

News Image #4


(Video and Photos by Taguig PIO)