Isang bodega sa Barangay Western Bicutan, Taguig City ang nadiskubreng nagtatago ng mga ilegal na ibinebentang inangkat na produktong agrikultural kasabay ng pag-aresto sa dalawa katao na sinasabing may kinalaman dito.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Sa isang entrapment operation ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)m naaresto ang may alyas na Mary Ann at alyas Israel ng Lucky Farmers Fruits and Grocery Store sa Veterans Road, Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Sa pinagsamang operasyon ng CIDG Regional Field Unit (RFU) NCR, Southern Police District (SPD), Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry (BPI) noong Disyembre 23, 2024 ng alas 6:00 ng gabi, nahuli ang mga itong nagbebenta ng puting imported scallion na hindi lisensyado sa BPI.

Ang mga suspek ay nasa CIDG custodial facility habang hinihintay na masampahan ng paglabag sa "The Consumer Act of the Philippines".

Sinabi naman ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil na bahagi ito ng kanilang pagsugpo sa smuggling. hoarding at profiteering sa mga agricultural products.