Isang bagong mixed-use development ang itatayo sa Taguig City sa pamamagitan ng pagtutulungan ng isang pribadong korporasyon at ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

News Image #1

(Larawan ng Robinsons Land Corporation)

Tatawaging Bonifacio Capital District, ito ay proyekto ng Robinsons Land Corporation (RLC) at BCDA kung saan ilalagan ang mga residential, commercial, office buildings at maging hotel, at lugar-pasyalan.

"Robinsons Land is committed to doing our part in nation building as we create sustainable, innovative, and dynamic spaces that enhance the quality of life for the communities we serve. The Bonifacio Capital District project embodies this aspiration, and we are excited to contribute to the growth and development of this vibrant area," ang pahayag ni RLC Senior Vice-President and BU General Manager Mybelle V. Aragon-GoBio.

News Image #2

(Larawan ng Robinsons Land Corporation)

Ang 61,761 na kuwadrado metrong lupain ay malapit sa Lawton Avenue, Chino Roces Extension at South Luzon Expressway sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.

Katabi ito ng New Senate Building na ginagawa sa may Chino Roces Extension, Barangay Fort Bonifacio. Malapit din sa Lawton station ng Metro Manila Subway Project ng Department of Transportation.

Gayundin, isang malaking proyektong imprastraktura para sa transportasyon ang gagawin sa lugar na tinatawag na Bonifacio South Main Boulevard.