Isang botika ang binuksan ng pamahalaang lungsod ng Taguig para sa mga residente ng Barangay West Rembo.

Sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Barangay West Rembo, binuksan ang West Rembo Pharmacy sa 43-C A. Mabini Street Barangay West Rembo, Taguig City na magsisilbi Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

News Image #1


Makakakuha ng libreng gamot na inireseta ng mga doktor sa isinagawang telemedicine.

Makukuha rin dito ang libreng maintenance medicines para sa mga may reseta sa huling 3 buwan.

Samantala, ang mga residente ng Barangay Post Proper Southside ay maaaring kumuha ng kanilang libreng gamot sa bagong bukas na health center sa kanilang barangay sa Fox Street.

Ang mga residente naman ng iba pang EMBO (enlisted men's barrio) barangays ay maaaring magtungo para sa kanilang libreng gamot sa East Rembo Satellite Pharmacy sa Genesis Building sa 19th Avenue, JP Rizal Extension, Barangay East Rembo, Taguig City.

Para sa karagdagang katanungan, maaaring mag-text o tumawag sa 0962.495.8478.

(Art card mula sa Taguig PIO)