Gagamit na ng solar power ang Department of Science and Technology (DoST) at ilalagay ang kanilang state-of-the-art photovoltaic (PV) rooftop system sa kanilang main building sa Bicutan, Taguig City.

News Image #1


Upang makatulong upang masagkaan ang epekto ng climate change, pumasok ang DoST - Science and Technology Information Institute (STII) sa isang kasunduan sa Philippine National Oil Co. Renewables Corp. (PNOC RC) para sa proyektong ito.

Sinabi ng STII sa kanilang pahayag na ang partnership nila ng PNOC ay isang malaking hakbang sa paggamit ng renewable energy upang matugunan ang negatibong epekto ng pagbabago ng klima.

News Image #2


Ang kasunduang ito ay tatagal ng labinglimang taon, sa ilalim ng lease-to-own framework.

Sinabi ni DoST Secretary Renato Solidum Jr. na ang kanilang pakikipag-partner sa PNOC RC ay kumakatawan sa kanilang hangaring magkaroon ng pagkukunan ng sariling enerhiya at hindi na dedepende pa sa fossil fuels.

(Photos by DOST)