Isang mahinang pagsabog o phreatomagmatic eruption ang naganap sa Taal Main Crater occurred kahapon ng alas 5:58 ng umaga, Disyembre 3, 2024.

News Image #1

(Larawan ni Marou Sarne)

Ito ang ikalawa nang mahinang pagsabog sa Taal Volcano makaraang magpalabas din ito ng makapal na usok na naglalaman ng sulfur dioxide noong Nobyembre 30, 2024.




(Video ni Marou Sarne mula sa Talisay, Batangas)

Ang minor eruption kahapon ay nagtagal ng 4 na minuto at umabot sa 2, 800 ang usok nito.

Sinabi ng Department of Science and Technology (DOST)- Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na batay sa kanilang monitoring, ang mga abo nito ay humagsak sa Poblacion, Agoncillo at Buso-buso, Laurel, Batangas.

Ang Bulkang Taal, na ngayon ay nasa Alert Level 1, ay nagpapakita ng tumataas na paglalabas ng volcanic gas at pagbabago ng hugis ng lupa nito simula noong Setyembre. May mga pagyanig din sa bulkan subalit mahihina lamang ang mga ito.

"At Alert Level 1, sudden steamdriven or phreatic or minor phreatomagmatic eruptions, volcanic earthquakes, minor ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within the Taal Volcano Island (TVI). Should phreatomagmatic activity at Taal persist or intensify, then the Alert Level may be raised to Alert Level 2," ang paalala ng DOST - Phivolcs.

Ang mahinang pagsabog kahapon ay bunga ng paghalo ng tubig sa magma na nasa ilalim ng Taal Main Crater.