Libreng serbisyong medikal, gamot at gamit; scholarship at mga gamit sa eskwelahan; serbisyong panglipunan; at mga imprastraktura ang ilan lamang sa mga bumabalik sa mga Taguigeño sa kanilang matapat na pagbabayad ng buwis sa pamahalaang lungsod ng Taguig. (I-click ang video sa ibaba).



Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Taguig na ang mga buwis na ibinabayad ng mga Taguigeño ang nakakatulong upang maisulong ang pagiging Transformative, Lively at Caring (TLC) na siyudad ng Taguig at nakakapagbigay ng napakaraming benepisyo sa buong taon.

News Image #1


Kabilang dito ang mga de-kalidad na programa at serbisyong ang Taguig ang nagpasimula tulad ng doctor-on-call; home health; door-to-door delivery ng tulong medikal; libreng prosthetic legs, wheelchair, saklay at hearing aids; at libreng 3-in-1 baby bag para sa mga bagong nanay.

Mayroon ding libreng check-up, laboratory services, dental services at gamot na nag-iikot sa pamamagitan ng Taguig Love Caravan bukod pa sa regular na serbisyong pangkalusugan sa mga super health centers at regular health centers sa Taguig, mayroon ding dialysis center at molecular laboratory; at sentrong pangkalusugan at pangkasiyahan para sa mga senior citizens.

(Photo2)

May mga programa rin para sa mga mag-aaral tulad ng iba't ibang scholarship programs sa mahigit 80, 000 estudyante sa kolehiyo at sa junior at senior high school students.


May libre rin ang mga estudyante na pamasok sa eskwela, P.E. uniform at sapatos mula sa mga nasa daycare, elementarya at sa junior at senior high school, kasama pa ang gamit sa eskwelahan, emergency bag at hygiene kits.

Kumpleto rin ang computer equipment sa mga pampublikong paaralan at mayroon din itong itinayong children's library.

May sapat na allowance at magandang pasilidad sa pagtuturo ang mga teachers at non-teachers sa mga eskwelahan sa Taguig City.

Nagbibigay rin ng birthday cash gift ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga senior citizens at maging sa mga persons with disability.

Ang mga matatandang aabot sa edad na 100 ay may P100, 000, na madadagdagan pa ng P100, 000 kada taon habang sila ay nabubuhay.

May mga programa at serbisyo rin para sa mga bata, kabataan at kababaihan, mayroong mga urban farms kung saan ibinibigay ang mga itatanim at pang-alaga sa mga tanim, mayroon ding lake seeding program at pamamahagi ng mga fishing nets at bangkang pangisda sa mga mangingisda sa siyudad.

May taunang pamamahagi rin ng Pamaskong Handog o regalo ng Taguig na kung saan ang bawat pamilya ay may bigas, mga de lata at iba pang panghanda sa Pasko.

(Photo3)

Nagibigay rin ng tulong pampalibing ang Taguig City.

Sa ilalim ng pamamahala ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, maayos na nagamit ang ibinayad ng buwis ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga pampublikong paaralan sa Taguig, napatayo ang apat na super health centers at 31 health centers, naitayo rin ang mga multi-purpose buildings na siyang magiging sentro ng pagbibigay ng tulong sa mamamayan, pinaganda rin ang mga palengke at lugar ng negosyo, at inayos din ang mga pampublikong parke at palaruan ng mga bata.

Tuloy-tuloy rin ang pagbibigay-tulong ng Taguig sa mga tumutulong sa kapayapaan at kaayusan sa lungsod tulad ng mga pulis at bumbero.

(Photos by Taguig PIO)