Timing sa kasagsagan ng bentahan sa Kapasukahan ang balak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipatupad ang plano nitong mangolekta ng withholding tax na 1% mula sa mga nagbebenta ng kanilang produkto online ngayong Disyembre.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na isinasapinal na lamang nila ang mga panuntunan sa panukala na singilin ng mga online platform providers ng creditable withholding tax na 1% sa kalahati ng mga kinikita ng mga partner nitong nagbebenta o merchants.
Ang withholding tax ay ang halagang tinatanggal ng mga negosyo mula sa supplier o empleyado at direktang nireremit sa gobyerno.
"The stakeholders, online platforms, payment channels have already... We have collated their comments, and we will issue the revised regulations that incorporate their comments. Our target is, hopefully, we can implement it by December... or at the latest January of 2024," ayon sa pinuno ng BIR.
Para epektibong makolekta ang withholding tax sa online sellers, sinabi ni Lumagui sa mga operator ng online platforms o marketplaces na siguruhing ang kanilang partner-merchants ay nakarehistro sa BIR bago nila ito i-accredit bilang merchants ng platform.
Sinabi ni Lumagui na ang hakbangin nilang ito ay upang magkapantay-pantay ang pagtrato sa tradisyonal na nagnenegisyo at sa mga nagbebenta sa mga digital platform.
[Photo3]
Ayon pa kay Lumagui, hindi ito bagong buwis, kung hindi humahanap lamang ang BIR ng mga pamamaraan upang makakolekta ng buwis sa mga digital transactions.
(Photos by Vera Victoria)
Buwis na 1% sa Kalahati ng Kinikita ng Partner Sellers o Merchants ng Online Platforms, Sisingilin ng BIR ngayong Disyembre o Enero ng Susunod na Taon | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: