Isang bahagi ng C-5 Road na tumatakbo sa Taguig City ang isa sa mga lugar na mahina at maaaring gumuho sakaling magkaroon ng napakalakas na lindol, bunga ng tinatawag na liquefaction.
Ang lugar na ito sa C-5 ay nasa bahagi ng Barangay Fort Bonifacio, isa sa mga barangay sa Taguig na tinatakbuhan ng Marikina West Valley fault line.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang liquefaction ay proseso kung saan ang basang sediment ay parang maging likido kapag nagkakaroon ng pagtaas ang pore pressure at nababawasan ang effective stress sa pagitan ng mga solidong particles na nangyayari kapag mayroong likido. Nangyayari ito kapag sobra ang pagyanig, lalo na kung lumindol ng malakas.
Napag-alaman na ang mga barangay rin ng Signal at Pinagsama ay may banta ng liquefaction dahil ang mga ito ay nasa "clay-loam" na lupa at malapit sa Laguna de Bay.
Bukod sa Taguig, ang mga baybaying lugar din sa Marikina, Pasig, Caloocan, Malabon, Navotas, Muntinlupa, Pasay, Las Piñas, at Pateros ay may banta rin ng liquefaction.
Upang mas lalong maging handa sa anumang sakuna ang Taguig, ang pamahalaang lungsod ay aktibong lumahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong September 7, 2023.
Isinagawa ang NSED sa iba't ibang lokasyon sa Taguig, kasama ang mga eskwelahan, health center, office at residential buildings sa lungsod.
Ang mga lumahok ay tinuruan ng pangunahing prinsipyo ng pagkilos sakaling may lindol at ito ay ang "duck, cover, and hold" technique at kung paano mararating ang mga ligtas na lugar.
Nagsagawa rin ang Taguig City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng kunwaring rescue operation kung saan may mga tauhan ang pamahalaang lungsod na nag-rappel pababa ng gusali habang dala ang mga taong kunwari ay na-trap dahil sa lindol.
Isinagawa rin ang first-aid simulation upang ipakita ang kahandaan ng Taguig sakaling magkaroon ng tunay na emergency.
(Screenshot of Marikina West Valley Fault Line from Google Maps)
(Photos by Taguig PIO)
C5 sa Taguig, Tinatakbuhan ng Fault Line | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: