Pinasinayaan na ang solar energy project sa British School Manila (BSM) sa Bonifacio Global City, Taguig City, na isang pangunahing hakbang ng eskwelahan para sa pangangalaga sa kapaligiran at pangmatagalang paggamit ng natural na pinanggagalingan ng enerhiya.
Nagpasalamat si Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino sa hakbanging ito ng BSM upang mabawasan ang carbon footprint habang ginagamit ang enerhiya mula sa araw.
Sa lagdaan ng partnership sa pagitan ng Department of Energy at ng BSM noong Setyembre ng nakaraang taon, sa Memorandum of Understanding on Promoting Energy Efficiency and Conservation Act bilang bahagi ng buhay, tiniyak ng BSM ang kanilang buong suporta sa pamamagitan ng suplay ng solar power sa school campus nito sa BGC na sinimulan sa 99.76 kwp system noong 2023.
Samantala, dumalaw naman sa opisina ng Department of Energy - Consumer Welfare and Promotional Office (DOE-CWPO) ang 27 high school students at mga guro ng Blessed Hope Christian Academy para sa Energy Smart Kids o EnerKids Information Education and Communication (IEC) campaign.
Ang mga bata ay binigyan ng kaalaman kaugnay ng mga trabaho ng Energy Department at pinapanood ng Siklo ng Enerhiya video, bukod sa nag-tour ng laboratoryo nito.
Samantala, ang 15 Grade 6 students at mga guro naman sa Hope Christian High School ay nagtungo rin dito upang making naman sa mga eksperto sa Renewable Energy Management Bureau at Energy Utilization Management Bureau - Dedicated Electric Vehicle Office.
(Mga larawan mula sa Department of Energy)
Campus ng British School Manila, Solar-Powered Na; Mga Estudyante ng Hope Christian School, Nag-Tour naman sa DOE - BGC | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: