Isang international narcotics trafficker na sinasabing may kinalaman sa P9.68 bilyong (1.4 toneladang) droga na naharang kamakailan sa Batangas, ang nalaglag sa kamay ng mga otoridad sa isang operasyon na isinagawa sa spa sa Tagaytay City noong Mayo 16, 2024.

News Image #1


Nakakulong ngayon sa Bureau of Immigration (BI) detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City si Thomas Gordon O'Quinn, isang Canadian, na kilala rin sa alyas na James Toby Martin na target ng Interpol Red Notice dahil sa kanyang kaugnayan sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Sa pinagsamang operasyon ng Regional Intelligence Division ng Nationql Capital Region Police Office, Police Region Office 4A, Tagaytay City Police Station at ng BI Fugitive Search Unit, naaresto si O'Quinn sa Nurture Spa and Wellness sa Brgy Maitim II, Tagaytay City, Cavite.

News Image #2


Nakumpiska rin kay O' Quinn ang 2 medium size na plastic sachet na naglalaman ng shabu, 1 medium size na plastic sachet na may lamang cocaine, isang maliit na plastic sachet na may mga tabletanh hinihinalang ilegal na droga, 14 na mga identification cards na may iba't ibang pangalan subalit ang litrato ng suspek ang nakalagay sa lahat nt IDs, 4 na bank cards, pitong mobile phones, 14 na SIM cards at isang wallet na may lamang PHP3,600.


Si O' Quinn ay positibong itinuro ni Alajon Michael Zarate, ang driver ng van na may dala ng 1.4 toneladang ilegal na drogang nasabat sa isang checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15, 2024.

Kabilang sa kinakaharap na mga kaso ni O'Quinn ay ang paglabag sa Section 11 (Illegal Possession), Article II ng Republic Act 9165, at Article 178 (Using Fictitious Name and Concealing True Name) of ng Revised Penal Code.

Naisampa na ang mga naturang kaso sa Office of the Prosecutor, Department of Justice sa Manila City.

"This successful operation demonstrates the effectiveness of our ongoing collaboration with local and international law enforcement agencies and emphasizes the NCRPO's commitment to dismantling the networks that endanger the public's safety and security," ang pahayag ng PNP-NCRPO.

(Mga larawan ng PNP-NCRPO)