Tinatayang 535, 000 na mga kustomer ng Meralco ang naapektuhan ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa pinakahuling ulat ng Meralco kaninang alas 10:00 ng umaga.

News Image #1

(Larawan ni Vera Victoria)

Sinabi ng Meralco na ang ilang lugar sa Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Quezon at maging sa Bulacan at Metro Manila ang naapektuhan ng pagkawala ng suplay ng kuryente bunga ng malakas na hangin at ulang dala ng Bagyong Kristine.

"Meralco is working round the clock to restore power in areas affected by Severe Tropical Storm Kristine. Meralco reminded its customers to observe utmost safety," ang pahayag ng Meralco.

Mamayang alas 12:30 ng tanghali ay magbibigay ng pinakahuling balita ang tagapagsalita ng Meralco at pinuno ng Corporate Communication nito na si Joe Zaldarriaga, Vice President ng Meralco.

Sa mga nawalan ng kuryente, ipinaalala ng Meralco na tiyaking nakababa ang main switch ng kuryente. At tiyaking tuyo ang hahawak sa anumang elektrisidad na pasilidad.

Upang iulat ang mga pagkawala ng kuryente, narito ang maaaring imensahe o tawagan:
Facebook (www.facebook.com/meralco) at Twitter (@meralco).
Text: 0920- 9716211 and 0917-5516211
Meralco Hotline: 16211 at 8631-1111.