Makaraan ang libreng paggamit sa Manila Cavite Expressway (CAVITEX) C5 Link, nagtaas na ito ng singil sa may CAVITEX C5 Link Sucat Interchange simula 12:01 ng umaga noong Setyembre 23, 2024.

News Image #1

(Larawan ng CAVITEX)

Ang toll fee sa naturang interchange ay ang sumusunod:
Class 1 - Php 36.00
Class 2 - Php 72.00
Class 3 - Php 108.00

Ang Cavitex-C5 Link ay isang expressway na may habang 1.9 kilometro at nagko-konekta sa Cavitex Radial Road 1 hanggang sa Sucat Interchange in Parañaque.

Bahagi ito ng Manila-Cavite Expressway at dinadaanan ng may 23,000 sasakyan bawat araw.