Tapos na ang libreng bayad sa toll sa Manila-Cavite Toll Expressway Project (CAVITEX) ngayong araw na ito, Hulyo 31, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa Cavitex)

Ang 30 araw na toll holiday sa Cavitex ay bunga ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ititigil ng isang buwan ang pangongolekta sa naturang expressway.

Base naman ito sa inaprubahan ng Toll Regulatory Board na rekomendasyon ng Philippine Reclamation Authority na suspindehin pansamantala ang pangongolekta ng toll dito mula Hulyo 1 para sa benepisyo ng mga motoristang dumaraan dito.

Simula ngayong Hulyo 31, 2024, balik na sa pangongolekta ng toll fee sa Cavitex batay sa anunsyo ng pamunuan ng expressway kasabay ng pagpapaalala sa mga motorista na tiyaking may supisyenteng balanse ang kanilang RFID card upang maging tuloy-tuloy ang kanilang biyahe.